DMW, binabantayan ang sitwasyon ng OFWs sa West Sumatra, Indonesia matapos ang pagbaha at pagguho ng lupa nitong weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na binabantayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sitwasyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) at mga Filipino community sa West Sumatra, Indonesia.

Kasunod ito ng nangyari matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa nasabing lugar dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan nitong weekend.

Batay sa ulat ng Indonesian Government agencies, ang Agam at Tanah Datar districts malapit sa Padang ang pinakamalubhang napinsala ng masamang panahon.

Sa ngayon, nasa 37 na ang kumpirmadong patay at ilang indibidwal ang nawawala.

Sa ulat naman ng Philippine Embassy sa Jakarta, wala pang naitatalang mga Pilipino ang nasugatan.

Mahigpit namang nakikipag-ugnayan ang Migrant Workers Office sa Singapore sa Philippine Embassy sa Jakarta kaugnay sa sitwasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us