Chinese diplomats na sangkot sa pagpapakalat ng fake news, napapanahon nang paalisin sa Pilipinas – NSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng National Security Adviser (NSA) ang panawagan ni Defense Secretary Gibo Teodoro na paalisin na sa Pilipinas ang mga Chinese official na responsable sa misinformation o pagpapakalat ng fake news. 

Sa gitna pa rin ito ng pinalutang na umano’y new model agreement sa pagitan ng China at ng WesCom, kaugnay sa Ayungin Shoal.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni NSA Assistant Director General Jonathan Malaya na umabot na kasi sa sukdulan, kung usapin sa diplomatic practice na dapat sinusunod ng isang responsableng opisyal ang pinag-uusapan.   

“Kung makikipag-usap ka sa isang bansa, hindi ka makikipag-usap sa head ng Western Command. Makikipag-usap ka sa, you know, ambassador who is the official representative of the Philippine government or a cabinet member who is an alter ego of the President – iyong mga tao na mayroong authority… And then, ang mahirap dito, ang kausap pa nila is a low ranking official, and then they expect na kung anuman iyong nakapagkasunduan doon, kung mayroon man, diumano, is binding of the Philippine government.” -ADG Malaya

Pagbibigay diin ni Malaya, bilang isang diplomat na nananatili sa bansa bisita lamang ang mga ito.

Dapat na sumusunod sila sa batas ng Pilipinas, dapat ring iginagalang ng mga ito ang Republika at dapat ay hindi sila nangingialam sa internal affairs ng bansa.

“Ang mahirap dito, ang kausap pa nila is a low ranking official, and then they expect na kung anuman iyong nakapagkasunduan doon, kung mayroon man, diumano, is binding of the Philippine government. So, medyo sablay yata iyong ganoong sistema at pinag-aaway away iyong ating mga …itong ating bansa.” -ADG Malaya. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us