Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko laban sa mga loan scam na gumagamit ng logo o pangalan ng ahensiya.
Ayon sa OWWA, may mga account na naman na gumagamit ng kanilang logo o pangalan para makahikayat ng ating mga kababayan sa loan lending scam.
Binigyan diin ng ahensiya, na ang mga account na ito ay walang kaugnayan sa OWWA kahit sa regional o central office.
Panawagan ng OWWA sa publiko, kung makakita ng mga ganitong account o panghihikayat ng mga loan, agad isumbong at i-report agad para magawan ng agarang aksyon. | ulat ni AJ Ignacio