Bureau of Immigration at media, sanib pwersa laban sa human trafficking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagtulungan ang Bureau of Immigration (BI) sa airport press club para labanan ang human trafficking sa bansa.

Dahil dito ay pumirma si BI Commissioner Norman Tansingco ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama si APC President Ariel Fernandez.

Kinikilala ng dalawa ang malalang sitwasyon ng human trafficking bilang isang karumal-dumal na krimen, at binigyang-diin ang mahalagang parte ng responsible at ethical media coverage para i-address ito.

Ayon sa BI, tumututok ang MOU sa collaboration sa pagitan ng BI at ng mga miyembro ng APC para maibahagi sa publiko ang information laban sa current trends, at modus operandi sa human trafficking at illegal recruitment.

Nagkasundo din ang dalawang partido na gagawin ang mga istorya na may kinalaman sa human trafficking ng may empathy, sensitivity, at cultural understanding bilang tulong na rin sa mga biktima.

Nagkasundo din ang BI at airport press club na poprotektahan ng mga ito ang privacy at confidentiality ng trafficking victims, kung saan iiwasang banggitin ang mga personal na impormasyon bilang pagsunod na rin sa Anti Trafficking laws.

Makikipagtulungan din ang BI sa APC, para sa inisyatiba na naglalayon na palakasin ang kapasidad ng media sa human trafficking sa pamamagitan ng workshops, seminars, at resource development. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us