Naitala ngayong araw ang pinakamainit na panahon sa Dagupan City sa Pangasinan at Aparri sa Cagayan.
Ayon sa highest heat index na inilabas ng PAGASA ngayong hapon, naitala ang 50°C na heat index sa Dagupan City at 49°C naman sa Aparri.
Samantala, pumalo din sa 45°C ang naitalang init ng panahon sa Pasay City at 43°C sa Quezon City.
Bukod dito may 41 pang lugar sa bansa ang pumalo din sa danger level ang heat index mula 42°C hanggang 48°C.
Kabilang sa mga ito ang CBSUA-Pili, Camarines Sur na nakapagtala ng 48°C, 47°C naman sa mga lalawigan ng Guiuan, Eastern Samar,
Virac (Synop) sa Catanduanes at Sangley Point, Cavite.
Sabi pa ng PAGASA, asahan pa rin bukas ang matinding init ng panahon sa iba’t ibang panig ng bansa.| ulat ni Rey Ferrer