Inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kahalagahan ng community participation para sa procurement process system ng ahensya kaugnay ng anti-hunger program nito.
Sa ginanap na adoption of Negotiated Procurement-Community Participation (NP-CP) workshop sa Zamboanga City, sinabi ng kalihim na mahalaga ang partisipasyon ng community-based organization sa procurement process.
Batay sa nakasaad sa Memorandum Circular nagbigay ito ng direktiba sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger upang lumikha ng community participation procurement.
Ito ay upang maenganyo ang community-based organizations na lumahok sa EPAHP programs.
Samantala, ang nasabing workshop ay naglalayon na makapagbigay ng overview at understanding para sa DSWD at partners nito na makapag-utilize ng negotiated procurement-community participation para sa implementation ng anti-hunger programs.| ulat ni Rey Ferrer