Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo hinggil sa nakaambang rollback bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Goodnews para sa mga motorista dahil inilabas na ng mga kumpanya ng langis ang rollback sa presyo nito bukas.

Simula alas-6 ng umaga ipapatupad ng kumpanya ng Pilipinas Shell, Sea Oil, at Caltex ang P2 bawas sa kada litro ng gasolina habang P0.50 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ika-4 na sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo kung saan isa ang gasolina sa may pinakamalaking roll back, ngayong linggong ito.

Ang oil price rollback ay bunsod pa din ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni Aj Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us