Pormal na binuksan ang “Kasangga 24-1” military exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela kahapon (May 13).
Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, kasali sa sabayang pagsasanay ang 100 sundalo ng 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division at 50 sundalo mula sa Australian Army.
Ang naturang pagsasanay ay may layong mapalawak ang kakayahan ng dalawang pwersa sa larangan ng Reconnaissance, Mortar, Drone Operations, Logistics, Signal Operations, Jungle at Urban Warfare, Tactical Combat Casualty Care, at Breaching Operations.
Kasama rin sa ibabahagi sa pagsasanay ang karanasan ng dalawang hukbo sa paglaban sa mga teroristang grupo.
Ang bilateral exercise ay magtatagal hanggang Hunyo 21, 2024. | ulat ni Leo Sarne
📷: 5th Infantry Division Public Affairs Office