Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO na magpapatupad sila ng umento sa kanilang singil sa kuryente ngayong Mayo.
Batay sa abiso ng MERALCO, nasa 46 na sentimos ang idaragdag sa kanilang singil sa kada kilowatt hour.
Katumbas ito ng ₱92 para sa mga kumokunsumo ng 200 kwh habang ₱231 naman para sa mga kumokunsumo ng 500 kwh.
Paliwanag ng MERALCO, ang pagtataas ng kanilang singil ay dahil sa mas mataas na Generation charge.
Idagdag na rin ang pagmahal sa presyo ng Wholesale Electricity Spot Market dahil sa mahigpit na suplay habang tumaas naman ang power demand dahil sa mainit na panahon. | ulat ni Jaymark Dagala