Abot kayang gulay, tampok sa KADIWA ng Pangulo sa Pasig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patok ang mga murang gulay sa itinayong KADIWA ng Pangulo store sa bahagi ng Arcovia, Brgy. Ugong, Pasig City.

Bahagi ito ng proyekto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) na maihatid ang murang bilihin para sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga mabibili rito ay mga highland vegetable gaya ng:

Brocolli – ₱120/kg
Cauliflower – ₱120/kg
Sitaw – ₱120/kg
Ampalaya – ₱120/kg
Carrots – ₱90/kg
Talong – ₱80/kg
Patola – ₱70/kg
Sayote – ₱65/kg
Pechay Tagalog – ₱80/kg
Sibuyas Tagalog – ₱80/kg
Sibuyas Puti – ₱70/kg
Mais – ₱70/kg
Pechay Baguio – ₱50/kg
Repolyo – ₱50/kg
Pepino – ₱45/kg

Ayon sa ilang namimili, malaki ang diperensya ng mga presyo sa KADIWA kumpara sa presyuhan naman ng mga pangunahing produkto sa mga palengke.

Maliban sa murang gulay, may tinda rin ditong mga prutas, karne ng manok at iba pang chicken products, at mga kakanin.

Alas-6 ng umaga nagbukas ang KADIWA ng Pangulo sa Arcovia sa Pasig at magtatagal ito hanggang alas-4 ng hapon.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us