39 na bagong-promote na heneral, nag-courtesy call sa AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang 39 na bagong promote na Heneral sa kanilang courtesy Call sa Camp Aguinaldo.

Ito ay matapos silang pormal na manumpa sa tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.

Ang mga bagong promote na opisyal ay pinangunahan ni AFP Inspector General Lieutenant General Steve Crespillo. 

Nasa 20 mula sa 39 na opisyal ang mula sa Philippine Army, siyam sa Philippine Navy, siyam sa Philippine Air Force, at isa sa Chaplain Service.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gen. Brawner ang kahalagahan ng “leadership”, propesyonalismo, at integridad sa pagganap ng tungkulin; kasabay ng paghimok sa mga bagong-promote na opisyal na patuloy na maghatid ng natatanging serbisyo sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga mamayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us