Inihayag ng Canada ang kanilang interest na dagdagan ang pamumuhunan sa Pilipinas partikular sa imprastruktura, agrikultura, power, at clean energy.
Sa pagbisita ni Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman kay Finance Secretary Ralph Recto pinuri nito ang “tremendous macroeconomic climate” at pro-business reform policies na binuksan ng Pilipinas globally kaya naipoposisyon ang bansa bilang investment getaway sa ASEAN region.
Binigyan diin ni Ambassador Hartman ang “strong interest” ng kaniyang bansa sa mining industry at tulungan ang Pilipinas na maging bahagi ng supply chain bilang critical player sa “value chain.”
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na i-expedite ang government-to-government arrangement upang i-facilitate ang suporta ng Canada sa mga development projects ng Pilipinas.
Samantala, binanggit din ng kalihim ang posibilidad na ituloy ang isang bilateral free trade agreement sa Canada sa pagpapatuloy ng negosasyon ng ASEAN-Canada FTA. | ulat ni Melany Valdoz Reyes