Reclamation activities sa Sabina Shoal, di pahihintulutan ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi pahihintulutan ng Philippine Navy ang reclamation activities sa Sabina/Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos kumpirmahin ang hindi natural na presensya ng “crushed coral” sa lugar, na nagpataas ng “elevation” ng Sabina Shoal.

Ayon kay Trinidad nag-istasyon na ng isang barko ang Philippine Navy sa lugar, kasabay ng regular na presensya ng Philippine Coast Guard, para mailantad ang iligal na aktibidad ng kung sino man ang nagtatambak ng coral sa Sabina Shoal.

Binigyang-diin ni Trinidad na ang Sabina Shoal ay mas malapit ng 35 milya sa mainland ng Palawan kumpara sa Ayungin Shoal, at malinaw na nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Giit ni Trinidad, hindi pahihintulutan ng Philippine Navy na maulit ang nangyari noong 2012-2013 kung saan nagsagawa ng reclamation ang China sa West Philippine Sea upang lumikha ng mga artipisyal na isla na ginawa nilang mga base militar. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us