House Speaker, pinuri ang pagkakapasa ng amyenda sa Rice Tariffication Law sa ikalawang pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkakapasa sa Kamara sa ikalawang pagbasa ng panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law.

Aniya isa itong mahalagang hakbang para palakasin ang rice industry ng bansa at gawing accessible ang mura at dekalidad na bigas para sa lahat.

Sabi pa ng House leader, hindi lang ito pagbabago sa polisiya bagkus ay isang mensahe sa mga Pilipino na committed ang pamahalaan na abot-kaya at accessible sa lahat ang presyo ng bigas.

Sa paraan aniyang ito ay maitatama ang mga pagkukulang sa RTL para naman masuportahan ang mga magsasaka at gawin silang competitive.

“This bill is not just a policy change; it is a powerful pledge to every Filipino. We are committed to ensuring that rice—our staple food—remains affordable and accessible to all. By refining the RTL, we address its shortcomings and provide our farmers with the support they need to thrive in an increasingly competitive market,” pahayag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us