GSIS, maglalaan ng nasa ₱1.7-B na halaga ng emergency loans para sa mga miyembro nito na naapektuhan ng rabies at El Niño sa 13 lugar sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng nasa ₱1.7-billion na halaga ng emergency loans para sa mga miyembro nito na naapektuhan ng rabies at El Niño sa 13 lugar sa bansa.

Ayon sa GSIS, maaring makahiram ng nasa ₱20,000 na loan ang mga magiging kwalipikado sa naturang emergency loan program.

Tanging mga lugar lamang ng Catbalogan City sa Western Samar; Cordova, Naga City, at Toledo City sa Cebu; Iloilo City, Buenavista sa Guimaras; Bayawan City at Sta. Catalina sa Negros Oriental; Antique, Basilan, at Datu Piang, Sultan sa Barongis sa Maguindanao Del Sur, at mula sa Buenavista.

Sa mga nais mag-avail ng naturang programa ay magtungo lamang sa pinakamalapit na GSIS office para mag-apply ng naturang emergency loan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us