DSWD, nilinaw na walang binibigay na ayuda sa mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa mga fake news na kumakalat sa ilang Facebook page.

Sa isang pahayag, nilinaw ng DSWD na ‘fake news’ ang impormasyong may ₱5,000 cash assistance na ibibigay ng ahensya para sa lahat ng mga estudyanteng magtatapos ngayong taon.

Kumalat ito sa social media mula sa Facebook page na Philippines Scholarship kung saan hinihikayat ang mga magsisipagtapos na magpalista sa isang link.

Paglilinaw ng DSWD, wala itong programa na naglalaan ng cash assistance para sa mga graduating students.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng ahensya ang lahat na hindi hihingin ng mga kawani ng DSWD ang inyong personal na impormasyon dahil ito ay labag sa Data Privacy Act of 2012. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us