Sang-ayon sina 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez at Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores sa hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigahan ang sinasabing wiretapping recording ng pag-uusap sa telepono ng opisyal ng Chinese Embassy at ng pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command.
Sa pulong-balitaan sa Kamara iginiit ni Gutierrez na desperado na ang China kaya nagpapakalat ito ng mga maling impormasyon.
Dahil sa alam nilang hindi sila makakakuha ng pormal na kasunduan kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea, ay gumawa na lang sila ng kwento.
Kaya umaasa si Gutierrez na magiging mabunga ang imbestigasyon ng DFA at mapanagot ang taong nasa likod nito.
“So nakikita po natin ito personal opinion, nagiging desperado na po iyong China. Kasi po what kind of a foreign supposed state would try to intervene in our local politics by introducing this sort of fake or manipulated information to the point na hindi po sila makaka-secure ng formal agreement, they will rely on trying to play public perception by using unauthorized wiretap conversations. If it’s even real baka nga po ito, we’ve seen it happen… We support fully iyong DFA in this investigation and I hope that they would take the appropriate action regarding the Chinese narrative,” ani Gutierrez.
Sinabi naman ni Flores na ipinapakita lang talaga ng China na bully sila at wala silang paggalang sa ating mga batas.
“I support the investigation being conducted by the DFA if they gonna conduct one because it’s really just China being China and it’s bullying us. They are not following our laws, our rules, so sa akin they’re just being themselves, being bullies as they are,” wika ni Flores. | ulat ni Kathleen Jean Forbes