Hinanapan na ng DA Regional Office 02 ng nagpost ng pagtatapon ng mangga sa San Mateo, Isabela.
Ayon kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino, ng DA RFO2, nakipag-ugnayan na ang Agribusiness Marketing and Assistance Division (AMAD) sa magsasaka upang tumulong sa kanilang mga ani, gayundin ang kinakailangang logistic support nito para madala o madeliver ang mga produce sa mga buyer sa labas ng rehiyon.
Lumaalabas sa imbestigasyon ng DA, na ang naturang magsasaka ay may 2,000 puno ng mangga, at maliban sa grower ay trader pa ito o bumibili ng mga mangga na siyang ibinebenta nito sa ibang lugar.
Ang nakitang 3,000 kilo ng mangga na itinapon nito sa viral video ay reject sa mga idineliver nito.
Dahil sa insidente, naglabas agad ng memorandum si Exective Director Aquino sa managers ng AMAD sa bawat probinsya, na makipag-ugnayan sa mga mango grower para sa pag-market ng kanilang mga ani at ibenta sa mga KADIWA stores.
Maliban dito, magkakaroon ng pulong ngayong araw ang DA kasama ang mango growers sa rehiyon upang pag-usapan kung anong long term plan para masolusyonan ang problema sa oversupply ng mangga. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao
📷Cropped from the uploaded video of Frederick Marcos Cayaban