Hinimok ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon ang mga Senador na ibaling nila sa mga mas mahahalagang panukalang batas ang kanilang oras kesa mga pagdinig sa umanoy dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency laban kay Pang. Bongbong Marcos Jr.
Ang reakayong ito ng Kalihim ay bunga na rin ng kanyang pagkadismaya sa isinagawang hearing ng Senado sa PDEA document na nag-uugnay sa Pangulo
Ayon kay Sec. Gadon pagsasayang lamang ng oras at pondo ng gobyerno ang ginagawang pagdinig na pinangunahan ni Sen. Bato Dela Rosa.
Mas makabubuti umanong magdebate ang mga Senador sa panukalang batas na nakabinbin sa Senado na makakatulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Kabilang dito ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law, dagdag na pondo para sa paglikha ng mga programa sa mga mahihirap na Pilipino at maraming iba pa.
Hindi rin sa ng-ayon si Gadon na muling isa lang sa drug test ang Pangulo dahil ito ay kanya ng ginawa bago pa man mag-eleksyon noong 2022. | ulat ni Michael Rogas