Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipino ang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng gulo sa Sudan.
Pero ayon kay DFA Spokesperson, Ambassador Teresita Daza, agad namang nalapatan ng lunas ang nasugatang Pinoy.
Dagdag pa niya, nananatiling problema sa ngayon ang paglilikas sa mga Pinoy dahil sa kakulangan ng mga marerentahang bus bukod pa sa tumataas na renta partikular na sa Khartoum.
Samantala, iniulat din ni Amb. Daza, na nasangkot din sa vehicular accident si Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago habang patungo ito sa border ng Sudan at Egypt.
Gayunman, walang natamong sugat ang Ambahador at nasa ligtas naman itong kalagayan.
Sa katunayan, hindi na tumuloy si Ambassador Tago sa halip bumalik na lamang ito sa Cairo para asikasuhin ang entry ng mga inilikas na Pinoy mula sa Sudan. | ulat ni Jaymark Dagala