Sa ginanap na Asia and the Pacific Transport Forum 2024, ibinahagi ni Transportation Assistant Secretary Leonel Cray De Velez na maayos ang takbo ng konstruksyon ng North-South Commuter Railway System.
Ayon kay Asec. De Velez, maayos na ang pag-usad ng konstruksyon sa northern section sa Bulacan at Pampanga.
Matatandaang sinuspinde ang operasyon ng Philippine National Railway sa Governor Pascual-Tutuban at Tutuban-Alabang section noong March 28 upang mapabilis ang konstruksyon ng NSCR ng walong buwan at makatipid ng P15 bilyon sa gastos ng proyekto.
Ang 147-kilometrong railway project ay magkokonekta mula sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna at magpapabilis ng biyahe ng wala pang dalawang oras.
Kapag natapos ang proyekto, ang NSCR ay kayang magsakay ng hanggang 800,000 pasahero kada araw at inaasahang makababawas sa bigat ng trapiko sa Metro Manila. | ulat ni Diane Lear