Nakipagpulong si Tourism Sec. Christina Frasco sa Executives ng Sofitel Philippine Plaza Manila para pag-usapan ang napipintong pagsasara ng nasabing hotel.
Matatandaang una nang nag-anunsyo ang Sofitel Philippine Plaza Manila na sila ay magsasara sa ika-1 ng Hulyo dahil na rin sa problema sa istraktura gaya ng mga sirang water pipes at mga insidente ng sunog ng mga nakaraang taon.
Bagamat ikanalungkot ni Frasco ang nasabing pagsasara ay sumang-ayon naman ito sa Sofitel management na ang seguridad ng mga empleyado at mga bisita ang pinaka-importante.
Nagpasalamat na lang ang kalihim sa naging kontribusyon ng nasabing hotel sa industriya ng turismo at sinabing malaking kawalan ang ito.
Dahil dito ay tutulong ang DOT para magsagawa ng job fair para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho dahil sa naturang pagsasara. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: DOT