Itinataas na ang antas ng mga pagsasanay ng mga Pilipinong marino sa industriya ng maritime sa bansa.
Ito ang kinumpirma sa media ni Capt. Vicente Navarro, Deputy Executive Director ng Maritime Industry Authority Standards of Training, Certification, and Watchkeeping o STCW.
Sa isang aktibidad sa Pasay City na dinaluhan din ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, sinabi ni Navarro, nagagawa na ito sa tulong na din ng mga training center na nagbibigay ng mahusay at dekalidad na pagsasanay.
Bahagi din ng isinusulong na modernisasyon ay ang pagbabawas sa paggamit ng emission o usok sa barkong ginagamit sa pagsasanay na bahagi aniya ng “green house shipping”.
Tinalakay na aniya rin ito ng International Maritime Organization, kung san inaasam ang paggamit ng halos “zero fuel emission” sa mga barko bukod pa sa automation.
Si Navarro ay nakibahagi sa pagbubukas ng makabagong training center ng STI sa Pasay City kung saan pinaalala nito ang kanilang mahalagang papel sa pagpapaunlad sa industriya na hindi lamang ang pagsunod sa mga regulasyon ng kanilang magiging produktong marino.
Maging ang pagtuturo para maging proactive din sa pagtaguyod ng mga sustainable maritime practices at pagprotekta sa kalikasan. | ulat ni Lorenz Tanjoco