Umarangkada na nga ang satellite voting registration sa lungsod ng Las Piñas.
Dahil dito ay hinimok ng pamahalaang lungsod ang mga residente nito na makibahagi at magparehistro na para sa nalalapit na 2025 national and local elections.
Paalala ng Las Piñas LGU, simula ngayong araw, akinse ng Mayo hanggang bukas a-disi sais ay maaring magtungo ang mga nais mag parehistro sa DepEd division of Las Piñas city office Pulang Lupa Uno.
Habang sa may 17 hanggang 18 ay sa satellite registration na isasagawa ng tanggapan ng election officer ng lungsod ng Las Piñas sa Pulang Lupa Uno.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ay kaisa sila sa pagsulong ng karapatan ng bawat mamamayan na makaboto para sa halalan. | ulat ni Lorenz Tanjoco