Atas ni PBBM na labanan ang pagpupuslit ng vape at sigarilyo, napapanahon ayon sa isang party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay direktiba na paigtingin ang paglaban sa iligal na vape products at sigarilyo.

Aniya, malaking tulong ang atas na ito upang mailayo ang mga kabataan sa masamang epekto ng vape.

Sa ngayon kasi accessible sa mga kabataan ang iligal na vape at e-cigarette lalo na yung mga ibinibenta sa murang halaga dahil hindi nagbabayad ng tax.

“More than the loss of revenue from taxes that should have been paid, we should also make sure that vape and e-cigarettes remain off limits to minors,” ani Reyes.

Kasabay nito, muling nanawagan si Reyes na ilipat ang mandato ng regulasyon sa vape products sa Food and Drug Administration (FDA) mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi kasi aniya nagagampanan ng tama ng DTI ang responsibilidad nito salig sa Republic Act No. 11900 o Vape Law.

Ayon sa ahensya, kabilang sa mga madalas na paglabag sa batas ay ang pag-verify ng retailers sa edad ng mga bumibili ng vape products gayundin ang pagkakaroon ng label o packaging na pang akit sa mga kabataan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us