Tatagal lamang hanggang mamayang alas-8 ng gabi ang yellow alert status sa Visayas Grid.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong hapon, isinailalim sa yellow alert ang status ng Visayas Grid mula kaninang alas-2 hanggang alas-4 ng hapon.
At sunod ay mula alas-6 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Nasa 2,968 megawatts ang available capacity sa Visayas Grid habang ang pinakamataas na demand ay 2,646 megawatts.
Base sa update ng NGCP, nabawasan ang yellow alert interval sa pagkakaroon ng CEDC Unit 1 at Panay Diesel 1-3.
Nasa normal na kondisyon naman ang Luzon at Mindanao Grids.
Unang inanunsyo ng NGCP kaninang umaga ang pagsasailalim ng yellow alert sa Visayas grid mula ala-1 hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Ang yellow alert status ay ipinatutupad kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailangan sa contingency ng transmission grid. | ulat ni Rey Ferrer