Mas mapapalalim pa ang relasyon ng Pilipinas at Austria.
Sa pagbubukas ng Philippines-Austria Friendship Week, inanunsiyo ni Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan na layon ng Department of Migrant Workers (DMW) na magtayo ng Migrant Workers Office (MWO) sa Vienna, Austria.
Ayon kay Caunan, puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Vienna upang maisakatuparan ito.
Kung magiging maayos ang mga pag-uusap, posibleng maitayo ang MWO sa ikatlong quarter ng taong ito.
Samantala, sa pagdiriwang ng Philippines-Austria Friendship Week, nagpalitan ng token sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at Austria Ambassador to the Philippines Johann Briger kasama ang ibang senior Austrian Embassy officials. Umaasa ang dalawang bansa na mas marami pang oportunidad ang mabubuksan para sa kanilang mga manggagawa na magagamit para sa kanilang pag-unlad. | ulat ni Diane Lear