LTO, magtatalaga ng sapat na tauhan para tumulong sa anti-colorum operations sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapakalat ng sapat na bilang ng mga tauhan ang Land Transportation Office (LTO) para tumulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa anti-colorum operations.

Partikular na dito sa Metro Manila at iba pang urban areas sa buong bansa.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, ang deployment ng mga enforcer ng ahensya ay layong tiyakin na ang mga lehitimong driver at operator lang ang dadaan sa mga ruta.

Ngayon pa lang, nagbabala na si Mendoza sa mga operator at driver ng colorum na sasakyan sa pagtaas ng presensya ng LTO personnel sa mga kalsada.

Nauna nang sinabi ng transport groups, na nawawalan sila ng 30 porsiyento ng kanilang pang-araw-araw na kita dahil sa mga colorum operator. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us