Ipinapanukala ni Senador Robin Padilla na mapalakas ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) para mapangasiwaan ang suplay ng bigas at ang pagpapaganda ng rice competitiveness enhancement fund (RCEF).
Naniniwala si Padilla na ang kanyang Senate Bill 2672 ang magiging susi sa pagpapatatag ng presyo at suplay ng bigas at makapagtitiyak na magiging abot-kaya ang bigas para sa mga Pilipino.
Sa ilalim ng panukala, iminumungkahi na bumuo ng rice industry development program management office (RID-PMO) para sa holistic apporach ng mga aehnsya at taong may kinalaman sa suplay ng bigas.
Mungkahi rin ng senador na palakasin ang RCEF at i-extend ang validity nito ng anim na taon, para pagandahin ang competitiveness at kita ng mga magsasaka.
Itinatakda rin nito na maaaring magdeklara ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ng emergency sa rekomendasyon ng national price coordination council o local price coordination council kung magkukulang ang suplay ng bigas, patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas at pambihirang pagtaas sa presyo ng bigas.
Maaari ring gamitin ng NFA ang inventory para sa mga lugar na may extraordinary price increase o shortage sa suplay. | ulat ni Nimfa Asuncion