Para kay Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo, dapat ay vote buying ang tutukan ng Commission on Elections (COMELEC) kaysa humingi ng dagdag na kapangyarihan para i-regulate ang social media.
Ito ang tugon ng mambabatas sa panawagan ni COMELEC Chair George Garcia sa Kongreso na bigyan sila ng kapangyarihan upang mabantayan nila ang paggamit ng social media lalo na sa panahon ng kampanya.
Pero naniniwala si Dimaporo na para magkaroon ng isang tapat, mapayapa at maayos na halalan ay dapat masugpo na ang vote buying.
“I believe that there’s no need to give COMELEC any additional laws. They have what they need and if they really want to ensure an honest, peaceful, and orderly elections next year, I would like to see them do something about vote buying. That’s the very basic thing. Why add more powers and then nahihirapan pa sila to stop vote-buying happening in our country. Solve that problem first and then we can maybe give them more powers.” giit ni Dimaporo.
Aminado rin si 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na mahirap na limitahan o i-monitor ang political post.
Bagamat maaari aniya mabantayan ng poll body ang mga post ng mga kandidato gamit ang kanilang ma opisyal na social media page, ay hindi naman maaari i-regulate ang pag-post ng mga indibidwal, gaya ng kanilang mga kapamilya.
But I don’t think we will be able to limit for example political posts by different person, yung tayo as individuals and where do we throw the line? If ako po, page ko po nagbo-boost, understandably political po iyon. Pero kung kapatid ko po or pinsan or kaibigan na nagpo-post tungkol sa akin. Hindi na po iyon siguro dapat kasama sa regulation ng COMELEC.” paliwanag ni Gutierrez.
Ipinupunto ng COMELEC ka kailangan i-regulate ang social dahil nadedehado ang ilang kandidato na wala o kapos sa pera.
Bukod pa ito sa paglaganap ng trolls at mga propaganda na may kaugnayan sa eleksyon. | ulat ni Kathleen Forbes