Tiniyak ng Mandaluyong City Local Government Unit (LGU) ang kanilang pagsasaalang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga traffic enforcer.
Dahil dito, namahagi ang LGU ng mga tinatawag na “summer uniform” na akma sa nararanasang mainit na panahon dulot pa rin ng epekto ng El Niño.
Binubuo ang naturang uniporme ng mga puting dri-fit na T-shirt na long sleeves, asul na short pants, asul na rubber shoes, at sumbrero.
Pinangunahan nila Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. kasama sina Vice Mayor Menchie Abalos at Traffic and Parking Management Department Head, Alex Santos ang pamamahagi ng mga naturang uniporme.
Dagdag pa ng Mandaluyong LGU, kahit tapos na ang tag-init ay magagamit pa rin ng mga traffic enforcer ang naturang uniporme. | ulat ni Jaymark Dagala