Isang sundalo nasawi, isa ang sugatan, sa enkwentro sa Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ni Philippine Army 8th Infantry Division Commander Major General Camilo Ligayo ang kanyang pakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ni Corporal Reycon Remedio, na nasawi sa enkwentro sa Barangay Gayondato, San Jorge, Samar noong May 14.

Sa naturang enkwentro, isang sundalo din ang nasugatan sa palitan ng putok sa pagitan ng mga tropa ng 3rd Infantry Battalion at mga teroristang komunista na miyembro ng Sub-Regional Committee (SRC) Browser, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Nagsasagawa ang mga sundalo ng Mobile Community Support Sustainment Program (MCSSP) sa komunidad nang respondehan nila ang sumbong ng mga mamamayan tungkol sa presensya ng mga armadong terorista sa kabundukan.

Kinondena ni 3IB Commander Lieutenant Colonel Fritz Montemor ang paghahasik ng karahasan ng mga nalalabing teroristang komunista sa mga sundalo na naghahatid lang ng serbisyo sa mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne

📸: 8ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us