JOs at COS ng DOT, binigyan ng libreng accident insurance ni Tourism Sec. Frasco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagbibigay pasasalamat sa mga job order (JO) at contract of service (COS) personnel na naglilingkod Department of Tourism (DOT) namahagi ng libreng accident insurance sa 219 JOs at COS ng kagawaran, ngayong ipinagdiriwang ang ika-51 anibersaryo nito ngayong taon.

Kung saan personal na ibinigay ni Tourism Secretary Christina Frasco ang naturang accident insurance package sa bawat kawani, kasama ang ilang security guards at utility workers.

Aniya, ito ay bilang pasasalamat sa taos pusong paglilingkod sa sektor ng turismo, kahit na hindi sila regular sa kanilang trabaho ay kabilang at bahagi sila ng DOT.

Ang nasabing insurance package ay valid ng isang taon at maaaring i-renew sa mga susunod pang mga taon, na personal na pinondohan ng kalihim para sa mga ito. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us