Bansang Israel, target pang mas palakasin ang bilateral relations sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng bansang Israel na mapalawak pa ang pakikipagkolaborasyon sa Pilipinas pagdating sa mga bilateral cooperation ng dalawang bansa

Ito ang inihayag ni Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary Embassy of Israel to the Philippines His Excellency Ilan Fluss, matapos na magsilbing guest of honor at speaker sa 38th weekly meeting ng Rotary club of Manila (RCM) na ginanap sa Makati City.

Ayon kay Amb. Fluss, mahalaga ang mga ganitong pagpupulong upang matalakay ang mga usapin ukol sa kahalagahan ng innovation, technology at defense cooperation na higit na magpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Israel.

Dagdag pa ni Fluss, na magbibigay daan din ito para mapatatag pa ang pundasyon ng mga ikakasang kolaborasyon ng dalawang bansa sa mga susunod pang mga taon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us