Mga natatanging mag-aaral, pinarangalang ng QC LGU sa ginanap na StartUp QC Student Competition

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ginanap na StartUp QC Student Competition sa Matrix Creation Events Place sa Quezon City, kinilala at binigyang parangal ang husay at galing ng mga kabataang sa pagnenegosyo.

Ito ay inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City na layong hikayatin ang mga mag-aaral na linangin ang kanilang mga ideya sa pagnenegosyo at maging bahagi ng lumalaking industriya ng start-up companies sa lungsod.

Kabilang sa mga kalahok sa kompetisyon ang mga estudyanteng residente ng lungsod na may edad 18 pataas at kasalukuyang nag-aaral sa mga kolehiyo o unibersidad sa lungsod.

Ang mga nanalo ay nakatanggap ng cash prize na maaaring magamit bilang puhunan sa kanilang mga negosyo.

Nag-uwi ang grand champion ng P100,000, habang ang iba pang mga nanalo ay nakatanggap din ng consolation prizes.

Ang StartUp QC program ay isa sa mga pangunahing programa ng QC LGU upang mapalakas ang ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga makabagong negosyo na makatutulong sa paglikha ng trabaho, pagpapabuti ng produksiyon, at pagpapalaganap ng inobasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us