SP Migz Zubiri, nangakong kakausapin ang telcos para mapalakas ang signal sa Pag-asa Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makipag-usap sa telecommunications company para mapalakas ang signal sa Pag-asa Island, at mapabuti ang linya ng komunikasyon sa isla.

Sa naging pagbisita nina Zubiri sa Pag-asa Island, sinabi niyang kakausapin niya ang mga may-ari ng Smart at Globe para magpatayo ng mga pasilidad sa isla.

Binigyang-diin rin ng Senate leader ang kahalagahan ng linya ng komunikasyon at ng internet sa pang araw-araw na pamumuhay, lalo na sa pag-aaral ng mga estudyante sa lugar.

Sinabi rin ni Zubiri, na magdadagdag sila ng budget sa ilalim ng 2025 National Budget para sa pagpapatayo ng telco facilities sa Pag-asa island. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us