House members, pinuri ang pinakitang katapangan at pagka makabayan ng Atin Ito Coalition na nag-deliver ng supplies sa Panatag Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Manila Representative Bienvenido Abante ang naging diskarte ng “Atin ito Coalition” kung saan naihatid nila ang umaabot na 1,000 liters ng langis at food packs sa mga mangingisdang Pinoy sa Panatag o Scarborough Shoal.

Sinabi ni Abante, nakaka-inspire ang ipinamalas na patriotism ng grupo kung saan ang kanilang isinagawang civilian regatta ay simbolo ng kanilang pagmamahal sa bansa partikular sa teritoryo natin— bagay na dapat irespeto ng bansang China.

Aniya, naisip na rin niya na imbitahan ang ilang kongresista na bumisita sa West Philippine Sea.

Panalangin ni Rep. Abante ang kaligtasan ng “Atin ito Coalition” sa kanilang aktibidad

Samantala, ayon naman kay Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na ang ginawa ng grupo ay nagpapakita lamang ng suporta ng ordinaryong Pilipino sa position ng gobyerno sa West Philippine Sea.

Aniya, hindi kailangan maging public official upang ipamalas ang ating pagiging Makabayan.

Diin nito, ito ay suporta sa paninidigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang intergridad, teritoryo at soberanya ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us