Hindi na sakop ng House Committee on Ethics ang imbestigasyon ukol sa posibleng libelous statements ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez laban sa mga kapwa opisyal ng gobyerno.
Paliwanag ni COOP-Natco party-list Rep. Felimon Espares, chair ng komite, ang paglilitis nito ay nasa kamay na ng criminal courts.
Korte na rin aniya ang magdedetermina kung masasabi ngang sedition ang panghikayat ni Alvarez sa militar at PNP na bawiin ang suporta sa presidente ng Pilipinas.
Ang tanging sakop lang aniya ng kanilang magiging imbestigasyon ay kung pasok ito sa maituturing na disorderly behavior.
Umaasa naman si Tagum Mayor Rey Uy na siyang nagreklamo kay Alvarez na patawan ito ng expulsion.
Para sa alkalde masyadong mabigat ang ginawa ng mambabatas na paghimok sa unipormadong hanay na tumiwalag sa pamahalaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes