Publiko, pinag-iingat ng Meralco sa “bill reveal challenge” sa social media

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) sa publiko kaugnay sa nauuso na “bill reveal challenge” sa social media.

Ito ay isang uri ng challenge kung saan ipino-post sa social media ng mga customer kung magkano ang kanilang electric bill.

Ayon sa Meralco, may pagkakataon na naisasama sa post ang Customer Account Number at iba pang mga detalye na nakalagay sa Meralco bill.

Paalala ng power distributor, delikado ang paglalabas ng Customer Account Number at maaaring gamitin ng mga masasamang loob.

Payo ng Meralco, mag-ingat sa mga ipino-post sa social media para maproteksyunan ang mga personal na impormasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us