Infra projects ng pamahalaan, magsusulong sa hanay ng maliliit na negosyante sa bansa – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbi-benepisyo ang mga maliliit na negosyante sa bansa sa mga malalaking infrastructure projects ng pamahalaan, kabilang na sa Ilocos Region.

Sa inagurasyon ng Tourist Rest Area (TRA) sa Pagudpud (May 17), binanggit ng Pangulo ang konstruksyon ng Ilocos Norte Transportation Hub na layong ayusin ang trapiko sa lugar.

Nariyan rin ang development ng Laoag International Airport.

Maging ang konstruksyon ng mga bagong tulay at ng Pancian Viaduct sa Manila North Road, na sisiguro sa kaligtasan ng mga motorista. 

“All these projects are geared to expanding not only tourism but also development of the countryside, that allow a strong tourism industry,” -Pangulong Marcos Jr.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na ang mga development na ito ay magdadala lamang ng marami pang tagumpay sa bansa.

“I am confident that these exciting developments will become a springboard for [the] further success [of] tourism in Ilocos Norte and the Philippines and from this moment onwards,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us