Nalalapit na pagsasabatas ng panukala para magtatag ng Shari’a Court sa NCR at Visayas, malaking tulong para sa Muslim Filipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Lanao del Norte Representative Khalid Dimaporo na tuluyang maisabatas ang panukalang magtatatag ng Shari’a courts sa labas ng Mindanao.

Ayon kay Dimaporo, salig sa Presidential Decree 1083 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nagkaroon ng Shari’a Courts at nakabase sa Zamboanga.

Ngunit ngayon aniya na marami na ring Muslim Filipinos sa ibang panig ng bansa, dagdag pasakit sa kanila ang access sa Shari’a courts.

Aniya, kapag may ipinanganak, nagpakasal o namatay ay kailangan pang lumipad pa-Mindanao para ito ay isumite sa korte.

“Sa panahon na iyan ni President Ferdinand Marcos, most of us were based in Mindanao. Pero now, you can find Maranaw’s Muslims in Boracay, you can find them in Cebu, you can find them in Greenhills, sa Bagiuo, sa Palawan, we’ve scattered all over the Philippines. Ang problema naming is that our Shari’a Courts are still only based in Zamboanga City…So, that’s unfair for us, Muslim Filipinos.” paliwanag ni Dimaporo

Inaasahan na sa susunod na linggo ay magpupulong muli ang bicameral conference committee panel para ayusin at isapinal ang bersyon ng panukala.

Sabi pa ng mambabatas, isang simbolikong hakbang ito na ang ipinasang batas ng dating Pangulong Marcos ay aamyendahan sa ilalim ng administrasyon ng kaniyang anak na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“I think hopefully I’ve been informed mga next week the bicam will already resolve the contending provisions. And hopefully within the year, it will be ratified into law. And I think that will be very poetic na Presidential Decree 1083 which gave us Muslim Filipinos a sense of dignity na we are part of the Philippines will be amended and strengthen by his son, President Bong Bong Marcos. Now we can avail of Shari’a Courts here in Metro Manila. We don’t have to go to Zamboanga City anymore.” dagdag pa niya  | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us