DND Sec. Teodoro: DFA ang lead agency na dapat sumagot sa alegasyon ng wiretapping ng Chinese Embassy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinauubaya na ni Defense Secretary Gibo Teodoro sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagharap sa gagawing imbestigsyon ng Senado, tungkol sa sinasabing wiretapping ng usapan sa pagitan ng isang Chinese Diplomat at Wesmincom official.

Sa panayam sa Pag-asa Island, sinabi ni Teodoro na ang DFA ang tanging ahensyang may karapatang sumagot o magbigay ng opinyon sa usapin.

Giit ng kalihim, hindi nila pwedeng pangunahan ang executive department at ang lead agency ay ang DFA, na nagsasagawa ng imbestigasyon kung totoo ang isyu.

Nang matanong naman kung dadalo siya sa ikakasang pagdinig ng Senado, muling giniit ni Teodoro na ang DFA ang lead agency tungkol sa isyu at susunod lang sila.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kakausapin muna niya ang mga kapwa niya senador sa isang executive session tungkol sa pinapanukalang Senate inquiry. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us