Binigyang diin ni Rizal 1st District Rep. Jack Duavit ang importansya ng pakikipag-alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanilang partido na Nationalist People’s Coaliton (NPC).
Sa ipinadalang mensahe ni Duavit, secretary general ng NPC, sa Radyo Pilipinas, sinabi nito na mahalaga ang pagsasanib puwersa ng dalawang partido sa direksyon na kanilang tinatahak lalo na aniya sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura at edukasyon.
Umaasa din aniya ang partido sa mas pinaigting na ugnayan hindi lang sa Kamara de Representantes ngunit maging sa local government.
“We find the alliance very, very important because at its heart it is about how our direction is in line with PFP most especially when it comes to Agricultural and Educational progression. We are very much looking forward to working with them with better coordination not just at the House of Representatives but extending to Local Government as well.” saad ni Duavit.
Bukas, pagtitibayin ng PFP at NPC ang pagsasanib puwersa sa alliance signing para sa ‘Alyansa Parasa Bagong Pilipinas’.
Una nang nakipag alyansa ang PFP sa Lakas-CMD at inaasahang masusundan pa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes