Pinuri ng mga senador ang pagbuo ng Department of Agriculture (DA) ng isang climate change panel sa gitna ng inaasahang pinsalang idudulot ng La Niña sa agriculture sector ng bansa.
Sinabi ni Senador Chiz Escudero, na dapat makumpleto agad ito dahil kailangan ng panahon para mapaghandaan ang epekto ng La Niña, hindi lang sa sektor ng agrikultura, kung hindi maging sa iba pang mga aspeto.
Umaasa rin si Escudero, na susunod ang iba pang ahensya ng gobyerno sa naging hakbang ng DA.
Welcome development naman ito para kay Senator Imee Marcos.
Nauunawaan aniya ng senator na pinaghahandaan ng DA ang mas malawak na agricultural damage na idudulot ng pagbahang kaakibat ng La Niña.
Inaasahan rin ng mambabatas, na sa tulong nito ay mas magiging alerto na ang mga kinauukulang ahensya gaya ng National Irrigation Administration (NIA). | Nimfa Asuncion