Kapwa lumagda ang Pilipinas at Japan para sa isang diplomatic notes seremony para sa official development assistance ng naturang bansa sa pagpapalakas at pagmomodernisa ng Philippine Coast Guard sa pagpapatrolya sa ating teritoryo.
Kapwa nilagdaan ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at ni Japanese Ambassador Endo Kazuya ang naturang diplomatic notes sa tulong nito sa pagbili ng limang bagong 97-meter offshore patrol capable Multi-Role Response Vessel na magagamit ng PCG sa pagpapatrolya sa exclusive economic zone ng bansa, partikular na sa West Philippine Sea.
Nagkakahalaga ang naturang Official Development Assistance ng bansang Japn ng nasa mahigit ¥64.3 billion yen at inaasahan na matatapos sa taong 2027-2028. | ulat ni AJ Ignacio