Matapos personal na pasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakabagong Tourist Rest Area (TRA) sa Pagudpud, Ilocos Norte kahapon, May 17, plano agad itong sundan ng Department of Tourism (DOT) sa pagbubukas ng sunod TRA sa lungsod ng Baguio sa ikatlong quarter ng taon.
Sa pagbubukas ng susunod ng TRA sa Baguio, ito na ang magiging ika-10 TRA na itinatatag ng DOT at pangalawa sa Luzon para sa pagbibigay ng komportableng pahingahan sa mga manlalakbay maliban pa sa mga matatagpuang pasalubong center at malilinis na comfort rooms.
Dagdag pa rito, mayroon ding tourist information and assistance center ang bawat TRA, breastfeeding station, charging and work station na may internet connection, mga ATM, at dining area.
Sa kabuuan, may inaasahang nasa higit 20 TRA’s sa buong bansa ang layuning itatag ng DOT, na isa sa mga daan upang makaakit pa ng mas maraming turista at ayon sa Pangulo ay magiging significant development para sa hangarin ng bansa na maging tourism powerhouse sa Asya. | ulat ni EJ Lazaro