Tinatayang aabot sa ₱25 milyon ang kabuuang halaga ng mga actual at under negotiation sales ang naitala ng mga Halal-compliant products mula sa ginanap na International Food Expo (IFEX) Philippines mula May 10 hanggang May 12, 2024, ayon sa Department of Trade Industry (DTI).
Kasama sa halagang ito ang iba’t ibang alok na produktong Halal mula sa 13 kumpanya mula sa pagkain, inumin, at pharmaceuticals.
Pinuri naman ni DTI Usec. Carol Sanchez ang pagsisikap ng Halal Industry Development–Program Management Office (HID-PMO) sa pagbibigay kahalagahan sa pagsuporta sa industriya ng Halal para sa sama-samang paglago at pambansang pag-unlad.
Aabot sa higit 500 inquiries at hindi bababa sa 200 mamimili mula sa loob at labas ng bansa ang tumangkilik sa Philippine Hala-Friendly Pavillion sa IFEX na patunay ayon sa DTI sa lumalagong demand para sa mga produkto at serbisyong Halal. | ulat ni EJ Lazaro