Nagbigay direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na repasuhin ang curriculum ng Philippine Military Academy (PMA).
Sa naging talumpati ng Commander in Chief sa pagtatapos ng PMA Bagong Sinag batch, sinabi nitong dapat pang mag-step up ang PMA sa gitna ng mga kakaharapin pang hamon ng bansa.
Ayon sa Pangulo, kailangang makasabay ang mga kadete sa 21st century skills na kailangan at makaharap sa mga conventional threats.
Mahalaga aniya ito sabi ng Chief Executive lalo’t itinuturing na reliable institution ang PMA sa nation building kaya’t dapat lang na lalong maihanda ang future leaders sa mas marami pang hamon.
Ipinunto pa ng Pangulo na ang labanan ay nasa digital battlefield na din kaya importante aniya na magkaroon ng malinaw na bisyon para sa katotohanan, integridad at pagiging makabayan gayong naririyan na din ang maraming tangka para magpakalat ng disinformation. | ulat ni Alvin Baltazar