Naghahanda na ang Office of Civil Defense (OCD) para sa nalalapit na panahon ng tag-ulan na inaasahang sasabayan pa ng La Niña.
Ayon kay Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, hindi na bago sa kanila ang mga paghahanda lalo na kapag may bagyo, malakas na ulan at malawakang pagbaha sa bansa
Patuloy na pinaiigting ng pamahalaan ang paghahanda upang maiwasan ang ilang posibleng aberya na naranasan noong mga nagdaang taon kung saan target aniya ang “zero casualty” at matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin ang OCD sa kanilang regional officer at iba pang ahensya ng gobyerno para sa pagpapaigting ng “disaster preparedness”. | ulat ni Rey Ferrer