Inaasahang maaapektuhan ng mabigat na daloy ng trapiko ang ilang kalsada sa Malabon City mamayang hapon.
Ito’y dahil sa isasagawang Grand Sagalahan dakong alas-5:00 ng hapon mula Malabon Sports Center hanggang Diocesan Shrine & Parish of Immaculate Concepcion.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-425th Founding Anniversary ng lungsod.
Sa inilabas na traffic advisory, pinapayuhan ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta upang hindi maabala.
Lahat ng sasakyan na manggagaling sa P. Aquino, Brgy. Tonsuya papuntang Concepcion/ Hulo ay maaaring dumaan sa Sanciangco Street kaliwa ng Governor Pascual Avenue patungong General Luna Avenue.
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng General Luna Avenue.
Kaugnay nito,hiningi ng LGU ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko sa gaganaping aktibidad. | ulat ni Rey Ferrer